Gising Ngayon
Gising ngayon at gamitin
ang buhay mong angkin
sa matapat na takbuhin
nang putong ay kamtin
Dios ang siyang tumatawag
mula sa itaas
Sa Kanya mo matatanggap
ang mithi mo't hangad
Mga saksing di mabilang
ika'y minamasdan
Limutin ang nadaana't
Ituloy ang hakbang
Ang takbuhing Kanyang bigay
ay napasimulan
Wagi't putong na kakamtan
Kanyang iaalay
No comments:
Post a Comment