Ang Salita Mo
Ang salita Mo'y ilawan
sa aking mga paa
at liwanag sa aking landas
Puso ko'y umaawit
Sa labis na ligaya
Dahil si Kristo ang kasama ko
Sa t'wina
Agos ng tubig sa batis
Hampas ng alon sa dagat
Pangako mo ay hindi nagbabago
Bulaklak man ay nalalanta
Langit at lupa'y mapaparam
Pag-ibig mo ay hindi magbabago
Ang Kaligayahan ko'y nasa Panginoon
Buong buhay ko'y purihin ang pangalan N'ya
Nais kong Ika'y sundan
Kamay ko ay hawakan
Upang makamtan ang buhay na walang hanggan
No comments:
Post a Comment