Kung Kamtan Mo
Kung kamtan mo man ang mundo't kanyang yaman
maging palasyo man ang iyong tahanan
makamit mo man ang lahat ng bagay sa sanlibutan
lahat ng 'ya'y pawang walang kabuluhan
Hangga't 'di mo nadarama ang palad ng Diyos Ama
ay 'di mo makakamtan ang walang hanggang Pag-ibig Niya
Hangga't 'di mo nababatid ang daang tungo sa langit
'di mo makakamtan ang Kanyang Pag-ibig
Kung sa lupang ito ay maging tanyag ka
maging bata at matanda'y kilala ka
ngunit 'di mo namamasdan si Jesus nga ng mukhaan
lahat ng 'ya'y pawang walang kabuluhan
Kung nasa'yo man ang lakas at talino
humanga man sa iyo ang buong mundo
kulang naman sa pagbasa ng Banal na Kasulatan
wala pa ring halaga ang karunungan
No comments:
Post a Comment