Search This Blog

Friday, October 11, 2019

Ang Langit

Ang Langit

Ang langit
isang paraiso
lugar na mahalina
nilikha ni Jehova
Ako'y nangangarap
na makarating na rin doon
kasama ninyo

Kaibigan tayo'y magsikap
Pagmamahalan, anong ligaya
Sama-sama tayong
magpalakasan sa isa't-isa.
At ang langit
ay isang maligayang dako
Kung ikaw kaibigan wala roon
o anong pait

Sabi nila ang langit daw
ay isang lugar na
kung saan
wala nang problema
Ito ang lugar na
laan para sa atin
O kay ganda
kung tayong lahat naro'n

Ang Dios malapit nang bumalik
upang kunin ang
Kanyang pinili
Dadalhin tayo doon sa langit
Kaibigan ko anong pait
o anong sakit
kung ikaw ay di
makasama
doon
sa langit

(Coda)
At ang langit
ay isang maligayang dako
Kung tayo kaibigan lahat naro'n
o anong tamis

No comments:

Post a Comment

Ang Awit Na Ito

(Harana sa madaling araw) Ang awit na ito sana ay dinggin mo Kahit na tayo ay magkalayo At buksan ang puso, papasukin si Kristo Dahil s'...