Ang Panaho'y Malapit Na
Sa buhay mo ngayon
Ikaw ay magsikap
Magsikap na pumasok
Sa landas na pinapangarap
Ngunit iyong pakaisipin kung
ikaw ba'y handang salubungin Siya
Gusto ni Jesus na makasama ka
Ang panaho'y malapit na
Malapit na ang pagdating Niya
Humanda ka, humanda na
Humandang salubungin Siya
Ikaw, ako, tayong lahat
Lahat magkakasama
Walang mawawaglit kahit isa
Kay sarap manahan
Doon sa langit na bayan
Tuwa at kasiyahan
ang mapapakinggan
Walang mararanasan na mga kapighatian
Doon sa Ama
ang buhay ay walang hanggan
No comments:
Post a Comment